
Gurong tumatak sa isip at puso ko. Mabait,magaling at di makuhang magalit sa amin.Dala-dala lagi ay mga aral na magagamit namin sa aming kinabukasan.Gurong pinabatid sa akin ang hindi ko lubos mabatid.Hinasa ako upang maging isang mabuting tao. Gurong nagdisiplina at nagturo ng mabubuting asal.Ang gurong bitbit ay libro at yeso na gawa sa purong kaalaman.Ang naging gabay ko sa loob man at labas ng paaralan.Pinuno ng may katutungang mga paksa ang aking mumunting isip.Sa iyong mga salita ay nag bigay buhay,buhay na gumising sa akin sa katotohanan.Gurong nagturo sa akin kung paano tumayo sa aking sariling paa.Gurong nagtiyagang turuan ako ng ginintuang kaalaman.Hatid lagi sa aming klase ay kasiyahan at bagong kaalaman.Salamat guro ko dahil iniwaksi mo sa akin ang pagiging mang-mang.Ang gurong naghubog sa aking isip at pinalago.Gurong sinasakripisyo ang meryenda at pagtulog para lang magampanan mo ang obligasyon mo sa amin.Gurong pumuno ng aking kamalayan.Maraming salamat sayo aking guro na tumulong sa akin at ang nagpalakas ng aking loob upang harapin ang bagong mundo.Maraming salamat po muli at kulang pa to upang masuklian ko ang iyong natulong sa akin.