Saturday, December 13, 2014

      Sa linggong ito tinalakay namin ang tungkol sa elehiya. Ang mga katangian nito at ang mga elemento ng Elehiya.
      Noong miyekules hanggang biyernes tinalakay naman namin ang Dalit na nahahalintulad sa una naming aralin ang Elehiya. Ang dalawang aralin na ito ay aming pinaghambing sinagawa namin itong aralin sa paggawa ng isang takdang aralin ukol dito at sa pag-ulat ng aking ibang mga kaklase.


Repleksyon 5


    Sa linggong ito tinalakay namin ang Parabola.Naintindihan ko ang araling ito sobra magpapatunay rito ang aking mga iskor sa aming mga pagsusulit.
   Nagkaroon rin kami ng mga pagsusulit isa sa mga ito ay ang pagbibigay ng literal at simbolohikang ibig sabihin ng mga salitang mga binigay.
  Tinalakay rin namin ang paggawa ng parabola.Nagkaroon kami ng takdang aralin na gumawa ng sariling Parabola kaya't natuto akong gumawa ng sarili kong parabola.

Repleksyon 4

         Sa linggong ito marami kaming nagawa at na-review ukol sa aming nalalapit na Test(NCAE).
 Ang aking ibang kaklase ay nag-ulat ng mga inatas kanila ni Gng. Mixto.Matapos nito nagbalik tanaw rin kami sa epikong Rama at Sita na inulat ni Darren. 


Sunday, December 7, 2014



Repleksyon sa Linggong Ito :) 

              Sa linggong ito tinalakay namin ang Elihiya isa itong lirikong patula na puno ng emosyon.Sa una ay may pinakinig sa amin si Gng. Mixto ng isang mensahe ng isang anak sa kanyang magulang.Natutunan kong isa itong paraan sa pagpapahayag ng iyong gustong sabihin sa isang tao sa isang kamangha-manghang paraan. Maaaring sa paghingi mo ng tawad, pag-amin, pagsabi ng totoo at madalas ay sa pasasalamat sa isang tao.