Friday, January 30, 2015

repleksyon sa linggong ito 3

                                    repleksyon para sa linggong ito
ngayong liggong ito ang aming guro sa filipino ay wala dahil may laban sila sa ibang lugar kasama nag ibang guro sa filipino at ang mga piling ilalaban na estudyante na kumakatawan saming paaralan.Dahil dito pansamantalang nagturo ang kanyang asawa na guro rin sa filipino.Sinimulan namin ang talakayan tungkol sa mga tauhang  nilikha ni DR.jose rizal sa noli me tangere kung bakit nya ito sinulat at kung pano niya rin ginawa ang mga pangunahing tauhan . Pagkalipas ng 2 araw si Gng.Mixto ay nakabalik na at aming tinalakay ang mga taong kinakatawan ng ilang tauhan sa noli me tangere . pagkatapos ng talakayan binigyan kami ni Gng .Mixto ng takdang aralin kung saan basahin bawat isa ang mga kabanata na nagbibigay deskripsyon sa tauhan ng noli me tangere .

Saturday, January 24, 2015

repleksyon para sa linggong ito

                                   repleksyon para sa linggong ito 


     ngayong linggong ito sinimulan na namin ang aming diskasyon sa 
     noli me tangere sa pamamagitan ng pag alam sa kaligirang            pangkasaysayan nito. simula sa pagbagsak ng kalakalang galleon      at hanggang sa buod ng noli me tangere.upang bumilis ang aming      talakayan pinag pangkat pangkatan namin ang bawat mahahalagang      pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan nito.at noong huling        mga araw partikular noong huwebes at byernes tinalakay namin        ang mgA babasahin na  ginawa ni DR.jose mula noong siya ay bata      pa.at nalaman namin sa murang edad ni DR.jose rizal siya ay          isang batang matalino , may malasakit sa kapwa at mapagmahal sa      bayan.

Saturday, January 17, 2015

repleksyon 1 (ikaapat na markahan)

                             repleksyon 1 (ikaapat na markahan)                           Ngayong lingong ito natapos na namin ang ikatlong      markahang      pagsusulit.At sinimulan na namin ang ikaapat na  markahan sa pagbibigay ng pokus na tanong ng markahan  nagkaroon kami ng paunang pagsusulit upang malaman kung ano  na ang aming nalalaman sa noli me tangere. para sakin mas madali  ito kesa sa mga naunang  clasiko tulad ng ibong adarna at florante  at laura.At ang aming magiging produkto ay patungkol dito (noli  me tangere) kung saan gagawa kami ng movie trailer  at iaaksyon  namin ang mga napiling kabanata ng aming guro na si Gng.Mixto. 

Saturday, January 10, 2015

huling talakayan sa ikatlong markahan

                               

Sanaysay


Sa unang lingo ng enero aming tinalakay ang sanaysay na isang akdang pampanitikan ng matalinong pagkukuro.sa pag sulat nito  dapat ikaw ay may subok na karanasan o kaalaman tungkol sa paksang iyong tatalakayin.Pagkatapos naming talakayin ito binigyan kami ng isang takdang aralin kung saan kami ay manonood ng isang dokumentaryo na aming gagawan ng sanaysay ukol dito.At binigyan din kami ng isa pang takdang aralin kung saan ano ang ibig sabihin ng synopsis at pangangatwiran at ang mga uri nito.para sa huling araw ng talakayan binigyan kami ni Gng.Mixto ng isang pagsusulit bilang review sa darating na periodical test.