Saturday, November 8, 2014


                 Unang Yugto Sa Aming Ikatlong Markahan





              Sa linggong ito tinalakay namin ang ibat-ibang elemento ng paggawa ng "trailer" ng isang pelikula o patalastas.Pumapasok rito ang istorya, ito ang konsepto ng isang palabas.Susunod ay storyboard, ito naman ang lahat ng eksena ng palabas.Direktor ang nakasalalay dito ang daloy ng palabas.Sinematograpiya katapat naman nito ang paglalarawan sa bawat eksena ng palabas.Meron ring topograpiya o ang lugar ng kwento.At ang iba ay ang set,bisa ng tunog,camera at ang soundman.At dahil alam na namin ang elemento nito ay nagsagawa ng paglikha nito.Nagkaroon kmi ng pang katang gawain ukol rito.

             Matapos namin talakayin ang elemento ng paggawa ng trailer ng pelikula o patalastas aming tinalakay ang epikong Rama at Sita.Kinilala namin ang bawat tauhan ng kwento at ang aking napiling paborito kong tauhan sa kwentong ito ay si lakshamanan dahil isa syang tapat na kaibigan kay Rama ginagawa nya ang lahat upang mapatatag ang kanilang samahan.

            Tinalakay rin namin rito ang pangyayaring nagpapakitang kababalaghan at kabayanihan.Marami akong natutunan mula rito.Ang pinakahuli naming ginawa ay magbalik-tanaw sa aming binasa.Naatasang magulat ang top 10 namin sa paguulat rito.Medyo unti lang ang aking natutunan sa mga nagreport dahil ang iba sa kanila ay mahina ang boses.Bandang likod pa naman ako. 

   

No comments:

Post a Comment